-- Advertisements --

Namahagi ng tulong ang tanggapan ni Sen. Bong Go sa nasa 3,081 displaced persons at persons with disabilities (PWDs) sa Bohol sa gitna pa rin ng epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pilipino at kanilang kabuhayan, lalo na sa sektor ng turismo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Go na kailangan lamang magtiis at magtulungan para malampasan ang pagsubok na ito.

Kabilang sa ipinamahagi ng grupo ni Sen. Go sa apat na magkakahiwalay na dsitribution activities sa loob ng tatlong araw ang pagkain, food packs, face masks, face shield at mga bitamina.

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tiniyak ni Sen. Go na magpapatuloy ito sa pagbisita at pamamahagi ng tulong sa mga Pilipinong nasa gitna ng krisis kasabay ng pagtiyak na susundin ang mga kinakailangang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sa Visayas, nagtungo ang aking mga staff sa Iloilo City upang mag-abot ng ayuda sa 2,500 na market vendors noong Lunes at Martes. Miyerkules hanggang Biyernes naman, mga displaced workers ang ating natulungan sa Cortes at Dauis, Bohol at nag-abot naman tayo ng tulong rin sa mga PWDs, informal at cultural workers sa Tubigon at Panglao, Bohol,” ani Sen. Go.