Nagbigay ng ayuda ang outreach team ni Sen. Christopher “Bong” Go sa 44 displaced informal sector workers sa aktibidad na isinagawa sa Buena Park Clubhouse sa Caloocan City.
Nagkaloob sila sa bawat benepisyaryo ng mga pagkain, food pack, vitamins, masks at face shields.
“Tandaan ninyo, dapat malakas ang ating resistensya para ‘di po tayo mahawa ng COVID-19. Please cooperate with the government at mag-social distancing kayo, maghugas ng kamay at suotin ninyo ang mga mask at face shield. Kung hindi kailangan, ‘wag kayo umalis ng bahay dahil delikado pa ang panahon,” paalala ni Go sa kanila sa pamamagitan ng video call.
Namahagi naman ang mga staff ni Go ng regalo sa mga piling recipients ng tablets para sa kanilang mga anak upang magamit sa online classes sa pamamagitan ng bagong blended learning approach.
“Sa mga anak, mag-aral kayo nang mabuti. Tandaan niyo edukasyon lang ang puhunan natin sa mundong ito kaya nagpapakamatay ang mga magulang niyo sa trabaho para sa kinabukasan niyo. Kasiyahan naming mga magulang ang makitang nagsipagtapos kayo,” dagdag ni Go.
Nasa aktibidad na isinagawa araw ng Miyerkules, October 28, ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para naman mamahagi ng bisikleta sa pamamagitan ng kanilang “Bisikleta Pangkabuhayan, Free Bisikleta Livelihood Project.”
Nagkaloob din sila ng assistance packages para suportahan ang to livelihood needs ng mga displaced workers.
Sa nakalipas na araw, kaparehong aktibidad din ang isinagawa para sa displaced informal sector workers sa San Juan City.
Ang kaparehong mga aktibidad ay ipinatupad sa pamamagitan ng mahigpit na pagtugon sa panuntunan ng gobyerno hinggil sa health and safety protocols.
Sa naturang video call ay nag-alok din si Go sa mga benepisyaryo na nangangailangan ng medical treatment.
Hinimok din niya ang mga ito na humingi ng medical at financial assistance mula sa Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) sa Malasakit Centers sa Navotas City Hospital, Ospital ng Malabon o sa Valenzuela City Emergency Hospital.
Inanunsiyo din niya ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaloob ng dagdag insintibo sa mga barangay officials sa panahon ng Christmas season bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na serbisyo.
“Ipinapaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang pangumusta sa inyo. Nandito kami handa magserbisyo sa inyo kaya ‘wag kayong kayo mag-atubili o mahiyang lumapit sa amin dahil trabaho po namin ‘yan. Konting tiis lang po at malalagpasan din natin ang pandemyang ito. Alam ninyo, ang pera pwedeng kitain pero ang mga buhay ninyo hindi mabibili. Ang importante buhay tayo,” paghimok ni Go.