-- Advertisements --

Hinikayat ni Sen. Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography ang national government na ipagpatuloy ang pagbibigay ng ng lahat ng uri ng psychosocial assistance sa mga kababayang nahaharap o nakakaranas ng mental health issues, gaya ng anxiety o labis na pag-aalala, depression at iba pang mas seryosong psychological problems sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Sen. Go, bilang senador ay kanyang tinitiyak na gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya para gawing available ang lahat ng psychosocial assistance sa sino mang nakakaranas ng mental health issues.

Ginawa ng senador ang pahayag sa ginawang Edukasyon Tugon sa Depresyon Webinar na inorganisa ng Council for the Welfare of Children (CWC).

“We will also strive to provide all the mental health and psychosocial support to complete the public health response in this pandemic, especially for our children and the vulnerable population,” ani Sen. Go.

Kasabay nito, inihayag ni Sen. Go ang kanyang suporta sa pag-amyenda sa Republic Act No. 11036 o kilala bilang Mental Health Act para magbigay ng mas magandang kompensasyon, benepisyo at special financial assistance sa manggagawang magkakaroon ng mental disability dahil sa kanyang posisyon.

“‘Wag po nating balewalain. Alam ninyo po, marami talagang apektado sa nangyari pong ito. Noong unang panahon, ‘pag merong pagtitipon na pinatawag ang ating mayor, barangay captain, kapag konti lang ang pumunta, magagalit siya. Ngayon po, kapag marami ang pumunta, magagalit siya dahil magkukumpol po yung tao.”