-- Advertisements --

Pinapurihan ni Sen. Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte dahil muli nitong pinakinggan ang kahilingan sa national government para tulungan ang mga local government units (LGUs) na labis na napinala ng mga nagdaang bagyo.

Sinabi ni Sen. Go, ikinagalak nito ang pag-apruba nito sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM) alinsunod ng kanyang apela para sa release ng financial assistance sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses at naubusan na ng calamity fund.

Ayon kay Sen. Go, ang nasabing funding ay chargeable sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund National Disaster Risk Reduction and Management Fund sa ilalim ng Fiscal Year 2020 General Appropriations Act.

Inihayag ng mambabatas na alam naman nating halos lahat ng local government units ay ubos na ang kanilang 5% na calamity fund hindi lamang sa kalamidad na tumama pero nariyan din ang COVID-19 pandemic.

“I welcome his decision to approve the recommendation of DBM, based on my previous appeal, for the release of financial assistance to LGUs severely hit by Typhoon Ulysses by augmenting their respective calamity funds,” ani Sen. Go.