Hinikayat ni Sen. Bong Go ang mga kapwa mambabatas at executive officials na pakinggan ang apela ng mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa paglikha ng Department of Overseas Filipinos.
Ang nasabing bagong departamento ang mangangasiwa sa mga concerns ng mga OFWs kung saan karamihan dito ay matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic at iba pang krisis sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sinabi ni Sen. Go, hindi dapat kalimutang mahigit 10 million ang OFWs na katumbas ng 10 percent ng populasyon kaya kailangang mayroon silang departamentong nakatutok sa kanila at hindi na kailangan pang manawagan sa radyo at sa Facebook.
Batay sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Nobyembre 5, kabuuang 237,363 OFWs ang repatriated muna ng magsimula ang pandemic habang mahigit 107,000 ang inaasahan pang darating bago matapos ang taon.
“Huwag nating kalimutan na mahigit ten milyon ang overseas Filipinos natin. Ibig sabihin, mahigit 10% ‘yan ng buong populasyon. Dapat mayroon silang departamento na nakatutok sa kanila at hindi na nila kailangan pang manawagan sa radio station o sa Facebook,” ani Sen. Go.