-- Advertisements --
received 2695604194101031

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go na pagkalooban ng rank classification at organization ng key positions sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay nakapaloob sa Senate Bill No. 1833 sa ilalim ng Committee Report no. 112.

“For our uniformed personnel, rank is not simply a rank, it is a symbol of leadership and duty. Therefore, it is just right that we classify the key officers of the BFP and BJMP at par with the rank classification of the PNP,” paliwanag ni Go sa kanyang co-sponsorship speech sa senate regular session.

Ipinunto ni Go ang pangangailangan sa rank classification sa mga nabanggit ng kawanihan na layong mapagbuti ang organization efficiency and effectiveness sa BFP at BJMP para mawala ang kalituhan sa mga ranggo.

“We need to address the inequality in the rank classification and show our fire and jail officers that we appreciate their devotion to their duty and their sacrifice, dedication and service to the country. It will also uplift the morale of every uniformed personnel in the BJMP and the BFP,” dagdag ni Go.

Kapag naisabatas, ang SB 1833 ay mag-aamiyenda sa iba’t ibang sections ng Republic Act No. 9263 o An Act Providing for the Professionalization of the Bureau of Fire Protection (BFP) and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Maaamiyendahan din umano angvilang probisyon ng Republic Act No. 6975.

Samantala, umaasa ang senador na ang panukala ay magbibigay ng pag-asa sa hanay ng uniformed personnel nagpahayag ang mambabatas ng kanyang motibasyon sa fire at jail service na gumawa ng epektibo at episyenteng public service.

Pinapurihan din niya si Senator Ronald dela Rosa sa pag-sponsor at pagprayoridad sa panukala.

Hiniling din ni Go na maging kabahagi siya sa pamamagitan ng pag-co-sponsor sa panukala.

Inisposoran din ni Go ang Fire Protection Modernization Bill, ang panukala na magpapalakas aa mandato at kapabilidad ng BFP.

Sabi ni Go, ang principal author ng bill, ngayon na ang tamang panahon para imodernisa ang BFP, matapos nitong bigyan diin na dapat maging maagap ang gobyerno para sugpuin ang anumang delubyo sa bansa.

“The said bill will include hiring of more personnel, acquiring modern fire equipment and training for our firefighters. It also mandates the BFP to conduct monthly fire prevention campaigns and information drive in all local government units. Thus, it is fitting that our firefighters at the frontlines be given the best tools to ensure their own safety and the safety of our fellow countrymen. I want to commend the good sponsor for pushing for this measure and I wish to manifest my support and my intention to co-author this bill modifying the minimum height requirement for PNP, BJMP, BFP, and BuCor personnel,” sabi ni Go sa hiwalay na co-sponsorship speech ng panukala.

Malaking tulong din daw ito para mapalakas at mapatatag ang mga personnel ng PNP, mga bumbero at iba pang mga first responders kapag nagkaroon ng sakun.

“Marami pong lumalapit sa akin kahit noong hindi pa ako Senador. Nagpapatulong para ma-waive o mabawasan ang minimum height requirement sa pagiging pulis at bumbero. Marami pong gustong magsilbi sa kapwa tao, kailangan lang po natin silang bigyan ng oportunidad na tumulong at magserbisyo,” pagtatapos nito.