-- Advertisements --

Hinikayat ni Sen. Bong Go ang national government na suportahan at alalayan ang mga local government units (LGUs) na sinalanta ng bagyong Rolly dahil inubos na ng COVID-19 oandmeic ang kanilang mga calamity funds.

Sinabi ni Sen. Go, malaking tulong sa mga apektadong LGUs ang karagdagang financial assistance para sa pagbili ng pagkain at mahahalagang pangangailangan ng kanilang kababayang nasalanta ng kalamidad.

“I’m appealing to the executive, kay Pangulong Duterte, kay [DBM] Sec. [Wendel] Avisado na tulungan po ‘yung mga LGUs na wala na pong calamity fund para po magamit nila dito sa typhoon, pambili ng pagkain, pambili po ng gamot, dahil sunod-sunod po itong disaster na ating kinakaharap,” ani Sen. Go.

Ayon kay Sen. Go, bago pa man makapag-landfall ang bagyong Rolly, nasabihan na niya si Budget Sec. Wendel Avisado na mahaharap sa malaking problema ang mga LGUs dahil nagamit na ang kanilang calamity funds sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Inihayag ng mambabatas na nabigla ang mga LGUs kaya kulang p na wala na silang gagamitin para magbigay ng tulong sa mga apektado ng bagyo.