-- Advertisements --
Pumalo na umano sa 20 katao ang napatay ng riding-in-tandem sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, ito raw ay base sa sariling monitoring ng kanyang tanggapan sa Senate committee on justice and human rights na siyang nag-iimbestiga rito.
Batay sa naturang listahan, pinakamarami umano ang sibilyan na nasa 12; sunod ang tatlong pulis; at tig-iisa sa hanay ng mga guro, pari, kawani ng gobyerno, abogado at pulitiko.
Inihayag ni Gordon na nangyari ang patayan sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang ang ilan naman ay loob mismo ng tahanan ng mga biktima o ilang hakbang ang layo sa kanilang bahay.
Dahil dito, nagpaalala si Gordon sa pulisya na hindi umano sila maaaring maging hukom at tagapatay sa isang panahon.