-- Advertisements --

Sisimulan na umano ni Senator Richard Gordon na maghanap ng makakatambal bilang bise presidente para sa 2022 elections.

Sinabi ng senador na nagpahayag ng interes na tumakbo sa pagkapangulo, sa mga susunod pa na mga araw ito mamimili ng maaaring makatambal niya.

May ilang tao na rin aniya na lumapit sa kanilang grupo at nagpresenta ng mga posibleng makatambal niya sa pagka-bise presidente.

Nauna ng inihayag ng senador sa Bombo Radyo na pinag-aaralan niya ang posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa sa darating na 2022 elections.

Magugunitang noong 2010 ng ito ay tumakbo sa pagkapangulo subalit natalo ito kay dating Pangulong Benigno Aquino III.