-- Advertisements --

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Philippine National Police (PNP) na doblehin pa ang paghahanap kay Apollo Quiboloy na mayroong tatlong warrant of arrest.

Ayon sa senadora na dapat gumawa ng hakbang si PNP chief Maj. General Rommel Marbil para sa agad na maaresto ito.

Itinuturing aniya ng senador na ‘failure of intelligence’ sa bahagi ng PNP dahil sa hindi nila mahanap kung saan nagtatago si Quiboloy.

Maaring agad na i-revoke ng PNP ang lisensiya ng baril at buwagin ang mga private army ni Quiboloy.

Magugunitang mayroong tatlong warrant of arrest si Quiboloy mula sa mga korte ng Pasig City at Davao City dahil sa kasong child sexual abuse at qualified human trafficking.