-- Advertisements --

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para magsagawa ng senate inquiry sa pagpatay ng mga kapulisan sa Navotas City kay Jemboy Baltazar.

Nakasaad sa Senate Resolution 742 na layon ng inquiry ang magkaroon ng aid of legislation na nakatuon sa labis na paggamit ng puwersa ng mga kapulisan.

Magugunitang napatay ng mga kapulisan ng Navotas ang binatilyo matapos umano na ito ay napagkamalan na siya ang suspek na kanilang hinahabol.

Dahil sa insidente ay sinibak sa puwesto ang hepe ng Navotas City na si P/Col. Allan Umipig at 22 iba pa.