-- Advertisements --
image 149

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na dapat panagutin si dating Executive Secretary Vic Rodriguez dahil sa kanyang pag-iwas kung naganap o hindi August 4 meeting.

“Ichecheck daw nila, babalikan daw nila kami sa Blue Ribbon kung may meeting, eh andoon siya sa meeting. What smoke and mirrors is this?” ani Hontiveros.

Sa kanyang interpellation sa Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay sa sugar importation fiasco, sinabi ni Hontiveros na si Rodriguez, gaya nina dating Administrator Hermenegildo Serafica at dating Board Member Aurelio Valderrama ay dapat ma-reprimand sa hindi pagsisiwalat sa unang hearing na nagkaroon sila ng pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at tinalakay ang importation plan.

“In the last hearing, I proposed that the committee request for a copy of the zoom recording of the meeting. Was that request ever made? I still insist that request is valid and reasonable because the committee report itself mentions that meeting.”

Ayon kay Hontiveros, hindi ito layuning patalsikin si Rodriguez dahil hindi na siya Executive Secretary pero ito ay material dahil sina dating Administrator Serafica at dating Board Member Valderrama ay inaakusahan sa hindi agad pagsasabi sa nabanggit ng pangulo na 600,000 metric tons ng asukal.

Kaya para daw patas, kung kakastiguhin sina Serafica dahil mayroon silang hindi sinabi agad sa Komite sa simula ng imbestigasyon ay kailangan ding kastiguhin si Rodriguez.

Magugunitang sa huling pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa sugar fiasco, tinawag na sinungaling si Serafica matapos niyang ibunyag na nakapulong nito ang pangulo via Zoom at binanggit umano ng pangulo ang 600,000 metric tons ng asukal.