-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umalma si Sen. Risa Hontiveros sa pagdawit sa kanya sa umano’y kurapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kung maaalala, si Hontiveros ay dating board member ng PhilHealth.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Hontiveros, sinabi nito na fake news ang pagdawit sa kanya sa anomaliya sa Philhealth na kinatigan rin ng Commission on Audit.

Ayon kay Hontiveros, kung sino man ang gumagawa ng panloloko at kurapsyon sa PhilHealth at nararapat na sampahan ng kaso.

Naniniwala naman si Hontiveros na hindi dapat proteksyonan at matataas na ospisyal ng Philhealth na utak sa talamak na pagnanakaw sa kaban ng bayan.