Hinimok ni Senate Committee on Foreign Relations chair Sen. Imee Marcos ang gobyerno na palakasin pa ang pagprotekta sa hindi dokumentadong mga Pilipino sa Amerika.
Isa ito sa 3 bagay na kailangan aniyang paghandaan sa pagbabalik ni Donald Trump sa White house kasama ang pag-prayoridad sa ating Self-Defense Capability at ikatlo, manguna sa bagong ASEAN Consensus sa US-China relations
Ginawa ng Senadora ang panawagan matapos ang muling pagkahalal ni US President-elect Donald Trump sa 2024 US Presidential elections.
Samantala, ipinunto din ni Sen. Marcos na dapat umaaksiyon na ngayon ang PH para i-secure ang mga kababayan nating Pilipino, palakasin ang depensa at tiyaking nakahanda para sa anumang pandaigdigang pagbabago.
Inihayag din ng mambabatas na sa pagkapanalo ni Trump nasa mahigit 200,000 undocumented Filipinos ang nanganganib sa mass deportation.
Kayat kailangan aniyang palawigin ang reintegration programs tulad ng skills training, livelihood support at direct assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).