Ibinunyag ni Senator Imee Marcos na nagpapatuloy pa rin ang kampaniya para sa charter change sa pamamagitan ng people’s initiative at ito ay kinakalap din aniya ng mga kontraktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa Senador isinusulong pa rin ito ng mga grupong pro Cha-cha sa Region 1 o Ilicos Region at Region 4A o Calabarzon.
Sa panig naman ng DSWD, sinabi ni Josine Estuye, head ng DPWH Media Relations Section na kanilang ibeberipika ang claims ng Senadora sa kanilang agency representatives sa mga rehiyon na binanggit nito kaugna’y sa umano’y pangongolekta ng mga lagda.
Paliwanag pa ng DSWD official na wala silang kontrol sa mga aktibidad ng mga kontraktor sa labas ng kanilang kontrata sa DPWH.
Biniyang diin naman ni Sen. Marcos na ang panawagan para sa Cha-cha ay kwestyonable kasunod ng ugong-ugong na kinakalap ang naturang mga lagda kapalit ng pamamahagi ng governemnt aid at mga regalo at inihayag na dapat na iprayoridad na lamang ang ibang mga problema ng bansa.
sinabi din ng Senadora na mapanganib ang pagbuo ng subcommittee para sa constitutional revision dahil walang garantiya na limitado nga ito sa economic provisions at posibleng ipasok ang political revisions sa kalagitnaan ng pagrepaso ng Konstitusyon.