-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaasa si Senator Imee Marcos na magkakaroon na ng submarine cable sa Iloilo upang hindi na magtatagal pa ang nararanasang power interruption.

Ito’y kasunod nang nangyaring region-wide blackout noong nakaraang buwan ng Abril.

Ayon sa senador, dapat na mayroong long-term power plan para sa energy crisis, hindi lamang sa Iloilo kundi maging sa Mindanao kung saan, may nangyari ring energy crisis.

Aniya, walang negosyo na maaaring mag-operate kung walang suplay ng kuryente.

Ito ang pahayag ng senador habang humaharap sa ngayon ang privately-owned National Grid Corporation of the Philippines ng kontrobersiya at imbestigasyon sa Senado dahil sa hindi magandang power transmission network.