-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Umaasa si Senadora Imee Marcos na tigilan muna ng gobyerno ang rice importation ngayong tinaggal na ng kanyang kapatid na si Agriculture Secretary at President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang price ceiling para sa regular at well-milled rice.
Ayon sa senadora, tama ang desisyon ng pangulo na tanggalin ang price cap sa bigas dahil dalawang linggo ng nasa harvest season ang bansa.
Kung mag-i-import umano ay dapat gagawin ito sa mga buwan ng Hulyo at Agusto kungsaan walang pera ang mga magsasaka na magagamit sa kanilang panananim.