Not guilty si Senador Jinggoy Estrada para sa kasong plunder kaugnay ng P10 billion Priority Development Assistance Fund o PDAF scam na iniugnay sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Ayon sa Anti-graft court ng Sandiganbayan fifth division na guilty sa isang count ng direct bribery at 2 counts ng indirect bribery si Estrada matapos akusahan ng pagbubulsa ng 183 Milyon pesos na kickbacks mula sa pekeng proyekto, na sinasabing kasabwat ni Napoles.
Siya ay sinentensiyahan ng 8 taon hanggang 9 na taon na pagkakakulong para sa direct bribery at 2 taon hanggang 3 taon para naman sa indirect bribery.
Gayunpaman, Nagpasalamat si Estrada sa mga mahistrado ng Sandiganbayan sa desisyon ngunit inamin niyang naguguluhan siya sa hatol na guilty para sa bribery at indirect bribery.
Aniya, batay sa information sheet, walang kasong bribery o indirect bribery na isinampa laban sa kanya.
Mag-aapela naman ang kampo ni Senador Estrada ng motion for reconsideration.
Samantala, ang co-accused na si Napoles na umano’y sa likod nitong porl barrel scam ay not guilty din sa kasong plunder.
Ngunit guilty naman si Napoles ng 5 counts ng corruption of public officials at sintensyahan din ng 8 hanggang sampung taon na pagkakakulong.
Ipinagutos din na kinakailangang magbayad ni Napoles ng danyos sa gobyerno ng 262 milyon pesos na may interes na 6% bawat taon mula sa pagtatapos ng desisyon ito hanggang sa mabayaran niya nang buo.
Pinatunayan ng prosecution na ang P262 milyong na halaga ng Special Allotment Releases Orders (SAROs) na sangkot sa kaso ay inilipat sa ilang nongovernmental organizations (NGOs) na kontrolado ni Napoles at ang mga proyekto ng PDAF na ipinatupad nila ay mga ghost o fictitious projects.
Hindi naman sumipot si Napoles sa promulgation.
Magugunitang, si Estrada na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, ay kinasuhan ng plunder batay sa ulat ng Commission on Audit noong 2007 hanggang 2009 sa kung papaano ginasta ni Estrada ang kanyang Priority Development Assistance Dund.
Ang promulgation sa kanyang kaso ay nangyari pagkatapos ng halos 10 taong paghihintay, kumpara sa 4 na taong paglilitis sa kaparehong kaso na kinasasangkutan ng kanyang kapwa mambabatas na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.