-- Advertisements --

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si senador Jinggoy Estrada sa apat na nasawing sundalo sa Maguindanao del Sur dahil sa pananambang.

Ayon kay Estrada na siyang chairman ng Committee on National Defense na ang pagkasawi ng apat na sundalo ay pagpapatunay lamang nang sakripisyo ng Sandatahang lakas ng Pilipinas buhay man ang maging kapalit ng kapayapaan.

Kasabay nito, nanawagan ang senador sa publiko na magkaisa na kundenahin ang mga marahas na mga aksyon ng terorista at extremists groups na sumisira sa katahimikan at seguridad sa bansa.

Magugunitang, kinondena ni Estrada ang nangyaring pananambang sa mga kasundaluhan sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng apat ng sundalo.