ILOILO CITY – Nanindigan ang isang opposition senator na gagamitin lang ng China ang pagkakataon na atakihin ang national security sa bansa kapag itutuloy ang pagpapatayo ng pasilidad ng China-backed na Dito Telecommunity Corporation sa mga military camps.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, sinabi nito na naging basehan dito ang batas na ipinasa sa China noong 2017 kung saan nakalagay na ang lahat ng korporasyon sa China ay inuutusan na suportahan ang intelligence gathering ng estado at kasama dito ang mga korporasyon na Huawei at China Telco.
Pinagbasehan ng senador ang ginawa ng Estados Unidos at United Kingdom na pag-ban sa Huawei sa kanilang 5G networks dahil naugnay ito sa data gathering ng China.
Dahil dito, mas mabuti anya na i-rescind na lang ang memorandum of agreement upang hindi malagay sa alanganin ang seguridad ng mga kasundaluhan sa bansa.