Hindi na itutuloy ni Minnesota Senator Amy Klobuchar ang kanyang kandidatura para sa 2020 Democratic presidential nomination.
Sa South Carolina primary nitong weekend, nakuntento lamang si Klobuchar sa ikaanim na puwesto.
Batay sa ulat, sasama si Klobuchar sa rally ni Joe Biden sa rally nito sa Dallas, Texas upang iendorso ang dating bise presidente.
Sa kabila ng magandang performance ni Klobuchar sa mga debate at ang biglaang pag-angat nito sa early primary voting state ng New Hampshire, bigo itong makakuha ng mas malawak na suporta.
Una na ring umatras si dating Indiana Mayor Pete Buttigieg sa kanyang balak na pagtakbo sa halalan.
Dahil dito, limang Democrats na lamang ang maglalaban-laban upang harapin si Republican President Donald Trump, na kinabibilangan nina Biden, Bernie Sanders, Elizabeth Warren, Michael Bloomberg at Tulsi Gabbard. (BBC)