-- Advertisements --

Naghain ng kaniyang certificate of candidacy bilang 1st District Representative ng lungsod ng Marikina si Senate Minority leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Makakaharap nito sa nasabing posisyon si Marikina Mayor Marcy Teodoro na papalitan ng alkalde ang asawang si Marjorie Ann Teodoro.

Sinabi ng Senador na nagulat ito sa biglang paglipat ng alkalde ng kaniyang distrito nitong Setyembre 26.

Magugunitang tumakbo sa pagkasenador si Pimentel sa ilalima ng PDP-Laban at nakakuha ito ng mahigit 14.6 milyon na boto at nasa pang-10 puwesto ito.

Siya ag chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.