Kinwestyon ni Senator ‘Ping” Lacson ang posisyon ni 2018 Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay sa Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Lacson na siyang may-akda sa nasabing panukala, nagtataka siya sa pagkontra ng pang-apat na Pinay Miss Universe dahil sa katunayan ay mas matindi pa ang batas sa Australia.
Ang 26-anyos na si Catriona ay half Australian na tubong Bicol.
Kamakailan lang nang manguna ito sa panawagan sa pamamagitan ng #junkterrorbill pero kinalaunan ay ginawa niya na lamang ito na may #reviseterror bill.
Una rito, marami sa kanyang followers ang nagulat sa biglang pagkambyo ng pananaw sa kontrobersyal na panukalang batas.
Pero nilinaw ni Gray na ang pag-alma sa Anti-Terrorism Bill ay hindi nangangahulugan na pro- terrorist na ang isang tao.
May kahalagahan naman aniya ang isinusulong na panukala para protektahan ang bansa pero may posibilidad din na magkaron ng pag-abuso sa kapangyarihan at malabag ang karapatang pantao.
Kaisa ni Cat sa panawagang repasuhin ang Anti-Terror Bill, ang TV host na si Bianca Gonzales.