-- Advertisements --

Handang magbitiw sa pagkasenador si Senator Lito Lapid kapag napatunayan na sangkot sa operasyon ng iligal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kaniyang probinsiya sa Pampanga.

Kasunod ito sa pagdawit sa kaniya na pag-aari niya ang 10 hektarya ng lupain kung saan nakatayo ang 42 gusali ng Lucky South 99 Outsourcing Inc. sa Porac.

Hinikayat din nito ang kapwa senador na ituloy ang pagsisiwalat sa mga krimen na may kinalaman sa POGO.

Pinanigan naman siya ni Porac Mayor Jaime Capil at naniniwala itong walang kinalaman ang senador sa iligal POGO operations.