-- Advertisements --
pacquiao belt
Pacquiao

BACOLOD CITY – Labis ang saya ng mga Bacoleño matapos namudmod ng balato si Sen. Manny Pacquiao kasabay ng pagdating nito sa lungsod ngayong hapon.

Si Pacquiao ay manonood ng laro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na gaganapin sa University of St. La Salle-Bacolod sa Sabado ng gabi.

Marami ang pumila mapa-bata man o matanda habang namimigay ng pera ang Pinoy ring icon.

Hindi pa matutukoy kung magkano ang kabuuang ipinamahagi ng fighting senator.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod apat na teams ang maglalaro kasama na ang host team na Bacolod na makakaharap ang SOCCSKSARGEN habang magkikita naman sa basketball court ang team ng Davao at team ng Basilan.

Ang MPBL ang itinayo ni Pacquiao noong Agosto 29, 2017 kung saan mayroon itong 31 na teams.

Ngayong taon lamang sumali ang Bacolod sa nasabing regional men’s semi-professional basketball league.