-- Advertisements --

LAOAG CITY – Iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi siya kontra sa pagbibigay ng Emergency Power kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 sa bansa.

Subalit ipinaliwanag ng senador na ang higit na kailangan ng mga tao ngayon ay ang mga maibibigay na tulong lalong-lalo na sa mga frontliners.

Ayon kay Marcos, dapat siguraduhin na may sapat na pagkain para sa mga tao, pagbibigay agarang tulong sa mga nawalan ng trabaho at panatilihing malakas ang mga negosyo.

Aniya, ito ay bahagi ng package pag-asa sa panahon ng krisis.

Samantala, sinabi pa ng senadora na gusto pa rin nitong malaman kung ano ang maibibigay na mga tulong para sa mga tao lalong-lalo na sa mga mahihirap na apektado ng naturang virus.