Humingi ng paumanhin si Senadora Imee Marcos dahil sa hindi pagdalo sa Alyansa rally sa Tacloban City, ngayong araw.
Ito’y sa kadahilanan aniyang hindi niya matanggap ang pagkakaaresto ng mga otoridad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant for crimes against humanity ng International Criminal Court.
Ayon kay Marcos, pinag-aaralan niya raw ang mga pangyayari upang maliwanagan ang sambayanan at makabuo nang makatotohanang solusyon patungkol sa pag-aresto sa dating pangulo.
Magugunitang sinabi ni Marcos na hindi siya makapaniwala na nauwi sa arestuhan ang pagdating ng dating Pangulonsa Pilipinas mula sa Hong Kong.
Ayon kay Marcos, nabigla at naawa raw siya sa dating pangulo dahil matanda na ito.
hindi na raw anitya natuto ang lahat kung saan gulo lamang ang dulot nito.
Wala rin aniyang pakinabang sa mga naghihirap sa bayan ang bangayan ng politika.