-- Advertisements --
Nanawagan si Senator Imee Marcos sa abogado ng gobyerno na huwag tumugon sa anumang gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol umano sa mga human rights abuse sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng senador na isang insulto sa mga abogado at mga huwis ng bansa ang panghihimasok ng ICC.
Ipinapakita rin dito ng ICC na tila walang kuwenta ang due process ng sarili nating judicial system.
Magugunitang bago magretiro si ICC Prosecutor Fatou Bensouda ay sinabi nitong hiniling nito sa ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa nagaganap drug-war ng bansa.