Binatikos na rin ni Sen. Imee Marcos ang 2025 proposed budget dahil sa aniya’y hindi magandang nilalaman nito.
Maalalang ang 2025 budget ay kapwa inaprubahan ng mga kinatawan ng dalawang kapulungan sa pamamagitan ng bicameral conference committee.
Ayon sa presidential sister, lumabag sa saligang batas ang pinal na bersyon ng 2025 proposed national budget kaya’t marapat lamang na muling repasuhin at ibalik sa Bicam.
Maaari aniyang ayusin muli ng Bicam ang naturang budget at pagtugmain ang mga nilalaman nito.
Nanindigan ang senador na ang 2025 budget ay lumalabag hindi lamang sa ilang batas kung di maging sa damdamin at saloobin ng sambayang Pilipino.
Ayon sa presidential sister, kayang-kaya pa itong habulin bago pa man ang pagpasok ng 2025.
Kung hindi na magbabakasyon at laliman ang paghimay sa budget, mag-overtime sa pagtalakay, at tutukan ang lahat ng nilalaman nito, tiyak aniyang magiging mabilis lamang ang paghimay sa panukalang pondo.
Nanindigan ang senadora na malaki ang pangangailangang repasuhin ang panukalang pondo at itugma sa pangangailangan ng taumbayan.