Hinimok si Senator Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na dapat makipag-ugnayan sa ibang mga bansa at bumuo ng mas maraming Social Security Agreements (ssas), lalo na ang may malaking bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Ang isang kasunduan sa social security agreements sa Korea, sa sandaling sinang-ayunan ng hindi bababa sa dalawang-katlo ng senado, ang magiging ika-16 na Social Security agreements na matagumpay na napag-usapan ng Pilipinas mula noong 1982.
Sinabi ni Marcos na ang mga OFW sa mga bansa kung saan ang Pilipinas ay walang social security agreements pacts ay kailangang magbayad ng maraming social security remittances.
Ang Philippines-Korea social security agreements ay inaasahang isaaktibo at isasakatuparan, sa bahagi ng Pilipinas na bigyan ng buong proteksyon ang paggawa, lokal man o sa ibang bansa.
Tinatayang 62,000 na mga Pilipino sa South Korea ang inaasahang magtamasa ng mga benepisyo ng social security agreements.
Ito ay nilagdaan noong November 2019 ngunit sa sideline ng Asean – Republic of Korea commemorative summit na dinaluhan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Mananatili sa ilalim ng National Pension Service (NPS) ng Korea ang saklaw ng social security ng mga OFW at walang paglilipat ng mga kontribusyon sa sss, bukod sa iba pang tampok ng social security agreements.