-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naniniwala si Senador Imee Marcos na hindi magiging kawawa ang mga empleyado ng ABS-CBN kung sakaling hindi na mairenew ang prangkisa nito at tuluyang magsara.

Sa pagbisita ng senadora dito sa Ilocos Norte kasama niya si Agriculture Secretary William Dar, sinabi niya na hindi pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mawawalan ng trabaho mula sa ABS-CBN.

Aniya, maghahanap ang gobyerno ng maraming trabaho para sa mga empleyado ng giant network.

Dagdag ni Marcos na sa ngayon ay mahigpit ang paghahanap ng pangulo ng investors mula sa iba’t-ibang bansa para magkaroon ng maraming trabaho sa bansa.