-- Advertisements --

Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Senator Nancy Binay para sa pagka-Alkalde ng Makati city.

Isinumite ni Binay ang kaniyang kandidatura sa Barangay Valuenzuela. Target ng Senadora na humalili sa kaniyang kapatid na si incumbent Makati Mayor Abigail Binay na inaasahang tatakbo naman sa Senatorial race sa 2025 midterm elections.

Kasama ding naghain ng COC ni Sen. Binay ang actor-turned politician at kaniyang running mate na si Monsour del Rosario na tatakbo sa pagka-bise alkalde.

Sa isang panayam, hindi naman napigilan ni Sen. Nancy na maging emosyonal nang matanong kaugnay sa pagtakbo niya bilang alkalde ng Makati na kasalukuyang pinamumunuan ng kaniyang kapati na si Mayor Abby.

Aniya, mas mangingibabaw pa rin ang pagiging magkapamilya nila at iginiit na hindi niya kalaban ang kaniyang kapatid.

Kasalukuyang nasa ikalawang termino si Binay bilang Senador matapos muling manalo noong 2019 elections.