-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Hindi umano tatakbong pangulo si Senador Manny Pacquiao sa 2022 presidential elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Aquilles Zonio, media officer ni Pacman, hindi raw pagka-pangulo ang nais ni Pacman kundi tatakbo ulit ito bilang senador.

Sa kanila umanong pananaw, pawang mga babae ang tatakbo sa pagka-presidente na kinabibilangan nina Mayor Sarah Duterte, Senador Cynthia Villar, Grace Poe, Imee Marcos at wala pang interesadong lalaking mambabatas ang nagpaabot ng intensiyon sa pagtakbo.

Inamin din ni Zonio, na marami ang nanunulsol kay Sen. Pacquiao na tumakbong presidente para gamitin sa kanilang pansariling interes dahil maghahanap umano ng 2022 campaign benefactors at ibubulsa ang perang kanilang makukuha.

Umaasa na lamang ang kampo ng senador na gabayan ito ng Panginoon sa kanyang mga plano at kahihinatnan sa 2022 presidential elections.