-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.

Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.

pdP

Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga sa ruling party na kinaaniban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Munsayac, ipinasa na ni Senator Aquilino Pimentel III ang pamumuno sa kapwa nito senador para sa paghahanda ng partido sa 2022 national at local elections.

Tiniyak naman nito mahigpit na makikipag-ugnayan ang bagong lider ng partido sa kanilang chairman na si Pangulong Duterte.