GENERAL SANTOS CITY – Iginiit ni Senator Manny Pacquiao na hindi napapanahon na pag-usapan ang pulitika ngunit ang magandang pagtutuonan ng pansin ay ang tungkol sa pagpapaunlad ng General Santos City.
Ito ang naging pahayag ng senador kasabay ng pagkumpirma nito na tinatrabaho na kanyang opisina na magiging tatlong distrito ang GenSan matapos na humiwalay sa unang distrito ng South Cotabato.
Paliwanag ni Sen. Pacquiao na kung mayroong tatlong distrito ang lungsod magiging triple ang makukuhang pondo mula sa gobyerno at mas maraming proyekto.
Samantala, inamin ng mambabatas pabigat umano sa kaniya ang ibinigay na posisyon ng partido politikal na PDP Laban na nakafocus sa pagbabago at pagpapaunlad sa publiko.
Inihayag nito na pagdating ng taong 2022 araw-arawin umano nito ang pagbanggit ukol sa pulitika.
Kamakailan ng kinumpirma nito na tatakbong alkalde ng GenSan ang kanyang hipag na si Association of Barangay Captains (ABC) President Lorelie Pacquiao.