-- Advertisements --
Pacquiao senate virtual

GENERAL SANTOS CITY – Alam ni Sen. Manny Pacquiao na dadaan sa butas ng karayom ang muling pagbuhay sa death penalty sa bansa.

Sa ngayon nakatutok ang mambabatas sa deliberasyon ng 2021 budget kaya hindi pa panahon para talakayin ang parusang kamatayan.

Sinabi din nito na maliban sa budget tinutukan din ang COVID-19 response na ginagawa ng gobyerno.

Matatandaan sinabi ng senador ang pagpabor na muling ibalik sa bansa ang parusang kamatayan.

Ginawa nito ang pahayag matapos ang apela ni Pangulo Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na tutukan ang re-imposition sa death penalty law.

Ayon sa mambabatas, sana maintindihan sa kanyang posisyon dahil sa laganap na krimen lalo na sa droga.