-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kinumpirma ni Sen. Manny Pacquiao na mayroong mangyayaring negosasyon ngayong linggo kaugnay sa nakatakda nitong laban.

Sa pahayag ni Pacquiao na kasama sa pag-uusapan ang petsa na laban saan ito mangyayari at sino ang katunggali.

Bilang preparasyon sa inaasahang laban, nagsimula na ito sa kanyang training sa pamamagitan nang pag-jogging at exercise.

Pero sa ipinalabas na pahayag ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum, na ang napag-usapan na si Terence Crawford ang makalaban ng eight division world champion.

Una rito sinabi rin ni Crawford na nais niya na makalaban ang figthing senator.

Si Crawford ay may 37 panalo, 28 knockout at walang talo na may hawak sa ngayon ng World Boxing Organization (WBO) world welterweight belt.