-- Advertisements --

Namahagi ng mga portable generator sets si Senator Manny Pacquiao sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Mayroong 15 portable power generator ang dadalhin sa Siargao para maging recharging facilities ng mga mahahalagang electronic devices.

Bukod pa sa mga generators ay namahagi rin ito ng mga tulong sa Puerto Princesa, Kabangkalan at Sipalay sa Negros Occidental.

Nauna ng namahagi ang senador ng mga tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Cebu, Siargao, Butuan, Dumaguete, Cagayan de Oro, Bohol, Leyte, Negros Island at Palawan.

Hinikayat din ng senador ang mga mamamayan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.