-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Biglang pinatawag ni Senator Emmanuel Pacquiao ang mga residente ng Barangay Buayan na mga person with dissability at isa isa nitong binigyan ng tig isang sako ng bigas.

Maliban nito namigay din ng facemask na nakaukit ang pangalan ng Senador sa mga residente . Matapos ang pamomodmod ng bigas kagad itong umalis sa lugar.

Unang kinumpirma ni Barangay Buayan Kapitan Rogelio Solis na tinawagan siya ng Senador para tipunin ang nasabing mga residente.

Biglaan umano ang pagtawag ni Pacquiao kaya hindi na nakaabot ang iba.

Bawat residente tig isang sako ng bigas ang binigay ng Senador.

Dagdag ni Kapitan Solis na kahit paalis na si Pacquiao sakay sa kanyang black hummer nakasunod sa kanya ang maraming residente kayat pinahinto ang sasakyan at nanaug ang Senador at namigay ng tig P1,000 habang iba ang nabigyan ng P500.00.

Kaagad kumalat ang balita sa pagbisita ng Senador marami pang residente ang pumunta ng gynmasium subalit hindi na nila naabutan pa ang Senador.