Pinarangalan ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla ang limang rescue workers na namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Karding.
Sa Senate Resolution 234, nagbigay pugay si Padilla ang kagitingan nina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin at Troy Agustin ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinabi ni Padilla na tumutulong ang lima sa mga residente ng Sitio Galas sa Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan na lumikas sa gitna ng baha. Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang limang rescuers nang matangay ang lifeboat na kanilang sinasakyan matapos gumuho ang isang kongkretong pader.
Na-retrieve ang kanilang mga labi sa Sitio Banga-Banga sa Barangay Camias.
“Whereas, the heroism and bravery shown by these five men, who sacrificed their lives to save their people, is an exemplary act worthy of praise and emulation and more importantly, an embodiment of dedication, courage, devotion to duty and commitment to public service,” ani Padilla sa kanyang resolusyon.