Naghain ng panukalang batas si Senador Robinhood Padilla na layuning i-professionalize ang talent management industry upang matuldukan na ang pag-harass ng mga talents sa entertainment industry.
Ilan sa probisyon ng Senate Bill 2778 ang pag-require ng lisensya para sa talent management outfits.
May pananagutan din ang media networks na nagmamay-ari o nangangasiwa ng talent management firms.
Sa panukalang batas, dapat magkaroon ng lisensya ang talent management companies galing sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang lisensya ay epektibo ng isang taon.
Maaaring suspendihin ng DOLE ang lisensya kung ang licensee ay lumabag dito o nawalan ng “good moral character,” o kaya naman ay gumawa ng “material misrepresentation” sa pag-apply sa lisensya, o kaya’y kung convicted ng “crime involving moral turpitude.
Ang talent manager ay magsusumite sa DOLE para sa approval nito ang form of contract for services at schedule of fees. Ang talent manager ay dapat magkaroon ng tala ng mga artista at ang bayad sa kanila. Maaaring inspeksyunin ng DOLE ang mga record na ito.
Maaaring mangasiwa o magmay-ari ang media network ng talent management company nguni’t ang kumpanya ay ituturing na “separate and independent entity.”
Samantala, ang media network ay mananagot na magbayad ng danyos kung ang talent manager kung saan ito may kontrata – regular employee man siya o hindi – ay na-convict ng rape, sexual assault, sexual harassment o violence.