-- Advertisements --
Robin Padilla 1

COTABATO CITY- Ibaba ang pondo ng BARMM sa tao- Ito ang sa tinig na panawagan ni Senator Robinhood Padilla sa mga nakapwesto sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay kasabay ng pagdalaw niya sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng nito lamang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao.

Pagdiriin ni Padilla, may 55 bilyong piso ang rehiyon na hindi nagamit ngayong taon at nasa humigit kumulang na 80 billion ang ilalaang pondo sa taong 2023.

Ayon kay Senador Padilla, umaasa sya na mapapakinabangan ng bawat mamamayan ng BARMM ang natitirang budget ng rehiyon na magagamit sana para sa rehabilitasyon ng mga nasira, nawasak na mga imprastaktura at pagawain at pagbibigay ayuda sa mga nabiktima maging sa mga nawalan ng mahal sa buhay na kapatid nating Bangsamoro.

Samantala, pinapurihan din ni Senador Padilla ang kanyang kapwa senador na si Senador Christopher Bong Go sa mabilis na pagkonekta nito at pagtulong sa mga nangangailangang biktima ng Bagyong Paeng sa rehiyon.

Ayon kay Padilla, di matatawaran ang dedikasyon at husay na ipinapamalas ni Senador Go na pagtulong, isa sa likas na ugali na kanyang gawain kasama ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.