-- Advertisements --

Walang pagsisisi si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagsuporta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Sinabi nito na nagdiriwang ang PDP-Laban party dahil nagtagumpay ang pambato nila sa pagkapangulo.

Suportado aniya ng partido ang mabubuting programa ni Duterte mula 2016 hanggang 2022.

Si Pimentel ay siyang pangulo ng partido noong tumakbo sa pagkapangulo si Duterte at ito ay bumaba lamang ito sa puwesto noong Disyembre at ipinalit si Senator Manny Pacquiao.