Nananawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-veto ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill at ibalik ito sa Kongreso para sa pagsasaayos.
Aniya, Ang panukalang batas, sa kasalukuyang anyo nito, ay hindi katanggap-tanggap.
Nananawagan si Pimentel sa Pangulo na gamitin ang kanyang veto power at ibalik ang panukala sa Kongreso.
Ani Pimentel, nasa ikabubuti ng mamamayang Pilipino at ng administrasyon kung ibabalik ang panukala sa Kongreso, kaya magkakaroon aniya ng pagkakataon na tingnan muli ang panukala upang matugunan ang mga alalahanin na ibinangon ng maraming sektor.
Itinuro ng punong fiscalizer ng Senado na ang MIF ay puno ng hindi malinaw na mga probisyon, kontradiksyon, kalabuan, at butas ng parehong Kapulungan ng Kongreso, sa kanilang pagnanais na mapabilis ang pagpasa ng MIF, ay nabigong tugunan.
Sinabi ni Pimentel na ang Korte Suprema ang susunod na battleground para sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.