Nakahanda umano si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa madugong drug war na pinangunahan di dating Pang. Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee ang magsasagawa ng parallel investigation kung saan ang naturang komite ay pangungunahan ni Pimentel.
Ayon kay Pimentel, tatanggapin niya ang kaniyang bagong assignment.
Ang Blue Ribbon Comm ang tanging may motu proprio authority na magsagawa ng imbestigasyon ngayon habang naka-break ang Kongreso.
Ayon kay SP Escudero, mas nakabubuting makapagsagawa o masimulan na ang pagdinig bago ang pagbabalik-sesyon sa Nobiyembre 4 dahil tiyak na aniyang magiging abala ang Senado sa pagtalakay sa P6.352-trillion national budget para sa 2025.
Sa kasalukuyan, wala pang eksaktong araw kung kailan sisimulan ng Blue Ribbon ang imbestigasyon.