-- Advertisements --

Ginisa ni Senator Grace Poe ang mga opisyal ang Department of Transportation at dahil sa hindi pa natapos ang ruta sa mga jeepney na sumali sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ng senador na nangako ang DOTr na kanilang aaprubahan ang 50 percent ng Local Public Transport Route Plans (LPTRP) ng hanggang Hunyo 30, 2024 subalit noong Mayo ay nalaman nito na 12 percent lamang o katumbas ng 174 Local Public Transport Route Plans (LPTRP) ang naaprubahan.

Depensa naman ng DOTR at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang route plan ay inaasahang matatapos ng hanggang 2026.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega. na dapat ay magtulong-tulong para mabilis na magawa ang LPRTRP.