-- Advertisements --
Nais ipaimbestiga ni Senator Grace Poe ang nangyaring pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng 27 katao.
Ayon sa senador na bilang namumuno rin ng Senate Committee on Public Services ay nais nilang malaman ang pagkukulang ng mga otoridad.
Nararapat na masagot dito kung bakit pinayagang maglayag ang banca kahit na mayroon pang sama ng panahon.
Nais din nilang alamin sa Philippine Coast Guard at sa may-ari ng banca kung bakit nagkaroon ng overloading at ang hindi nila paggamit ng mga life vest.