-- Advertisements --
Pinuna ni Senator Grace Poe ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagsiwalat ng mga tax status ng mga franchise applicants.
Sa isinagawang Senate public services committee hearing na kaniyang pinamumunuan na kulang sa paghahanda ang BIR na makakaapekto sa 16 na telco at 12 broadcast company na naghain ng aplikasyon ng prankisa.
Dagdag pa nito na bago aniya sila magbigay ng prankisa ay tintiyak nila na wala silang problema sa pagbabayad ng buwis.
Hindi rin nakaligtas kay Poe ang Securities and Exchange Commission (SEC) at National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa hindi pagbanggit kung ang mga aplikante ng prankisa ay may paglabag.