Naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe na tutuparin ng Department of Transportation (DOTr) ang pangako nito na masolusyunan na ang backlog ng mga driver’s license card pagdating ng Setyembre.

Ayon sa Senador, na kapag natapos na ang nabanggit na buwan ay maisasaayos na ng ahensiya ang sistema nito para agarang makuha ng mga motorista ang kanilang mga license card matapos ang kanilang pag-apply o magrenew.

Nais din tiyakin ng mambabatas na dapat hindi makompromiso ang mga privacy ng mga motorista sa ipinapatupad ngayon ng DOTR na paperless o digital license.

Magugunitang inihayag ng DOTr na masosulusyunan na nila ang kakulangan ng mga plastic cards sa mga drivers’ license sa buwan ng Setyembre.