Ikinalugod ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang pagkakatalaga kay retired Judge Jaime Santiago bilang Direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
Tiwala si Revilla kay Santiago at sinabi pa nito na magtago na ang mga kriminal at hindi ito titigilan ni Santiago.
Ayon pa sa mambabatas, very good ang pagpili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Santiago at kumpiyansa ang senador sa opisyal na nasa mabuting kamay ang NBI at maghahatid ito ng mahusay na trabaho sa pagsugpo ng kriminalidad.
Bago hinirang bilang NBI chief, si Santiago ay nagsilbi bilang Presiding Judge ng Regional Trial Courts sa mga lungsod ng Manila at Tagaytay at bilang isang judge ng Metropolitan Trial Court sa Manila City.
Nagsilbi rin siya noon bilang assistant city prosecutor sa ilalim ng Department of Justice.
Sa mga unang taon ng kanyang karera, si Santiago ay isang up-and-rising na pulis sa Philippine National Police – Western Police District, na mahigpit na nakikipaglaban sa mga kriminal sa Maynila.